December 12, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

'Wag malunod sa ingay!' Shuvee Etrata, ‘di totoong natanggal sa ‘Call Me Mother’ ni Vice Ganda

'Wag malunod sa ingay!' Shuvee Etrata, ‘di totoong natanggal sa ‘Call Me Mother’ ni Vice Ganda
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tila naputol na ang usap-usap sa pagitan ng Unkabogable Star at TV host na si Vice Ganda at GMA Sparkle artist na si Shuvee Etrata nang ibahagi sa publiko ng huli na itinuturing niyang ermat si Meme sa loob ng industriya ng showbiz. 

Ayon sa isinagawang Grand Media Day ng pelikula nila Vice at Shuvee para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na “Call Me Mother” noong Huwebes, Disyembre 4, sinabi ni Shuvee na tinulungan daw siya ni VIce sa maraming bagay sa industriya. 

“Marami akong hindi alam and Meme help me pave the way for me to learn, be accountable, and actually, you know, grow sa industry,” pagsisimula niya. 

Paliwanag pa ni Shuvee, “He was like the lighting torch. Nagging guidance ko po ikaw Meme para malaman kung saan ako dapat lulugar. Alam ko kung saan ako pupunta. Parang, in a way, siya po ang naging mother ko sa industry.” 

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

Matapos nito, nagpasalamat din si Vice para kay Shuvee dahil hinahayaan daw nitong payuhan niya sa mga bagay na kanilang pinagdadaanan. 

“Thank you din kay Shuvee kasi ina-allow niya akong ganoon. Pinapayagan niya akong kausapin ko siya, puwede ko siyang pagalitan, puwede ko siyang pagsabihan. Ang dami na nga nating pinagdaanan, ang dami na naming pinag-usapan, ang dami na naming nasabi sa isa’t isa,” saad ni Vice. 

Dagdag pa niya, “Kapag may nararamdaman kami sa isa’t isa, puwede naming sabihin sa isa’t isa and puwede naming i-resolve nang tayo lang.” 

Ani Vice, huwag daw hayaan ni Shuvee na magpalunod sa mga ingay na umuusbong sa pagitan nilang dalawa. 

“Love ko ‘yang si Shuvee. Kaya ang sabi ko, ‘wag tayong malulunod sa ingay. Kailangang tayong dalawa, magkakaintindihan tayo at nagkakaintindihan kaming dalawa ni Shuvee,” ‘ika niya. 

Dahil dito, naging emosyonal si Shuvee sa nasabi ni Vice at nagpasalamat siya dahil nabago daw nito ang buhay niya.

“Meme is Meme so I’m happy to be given this chance na maka-breath same air as Meme. talaga pong si Meme ay hindi lang basta talaga siya si Meme, marami na po siyang nabagong buhay ang binago niya ang buhay ko,” sagot ni Shuvee. 

Matatandaang naging intriga noon sa netizens ang hulang niligwak na umano sa pelikulang “Call Me Mother” ni Vice si Shuvee.

MAKI-BALITA: Shuvee Etrata, etsapuwera na sa pelikula ni Vice Ganda?

Ayon sa tsika ni Showbiz Insider Ogie Diaz sa kaniyang YouTube channel noong Nobyembre 8, 2025, sinabi niyang napag-uusapan ngayon sa social media ang isang poster na inupload sa Facebook page ni Vice Ganda noong Nobyembre 4, 2025.

Inurirat daw ng netizens ang dahilan kung bakit hindi kasama si Shuvee sa nasabing poster. 

“Hinahanap nila si Shuvee tapos mayroon pang nagsabi na talagang scratch na ni Vice Ganda itong si Shuvee kaya wala raw siya sa poster. ‘Yong iba naman sa comment section, nagko-comment sila na Diyos ko raw, hindi raw basahin nang maigi,” anang showbiz insider. 

Giit naman ni Ogie, tungkol daw sa Christman lighting sa Araneta ang nilalaman ng nasabing poster at hindi sa pelikula nina Vice Ganda.

Mc Vincent Mirabuna/Balita 

Inirerekomendang balita