December 11, 2025

Home BALITA Probinsya

Tupa sa GenSan nagpositibo sa rabies ng aso!

Tupa sa GenSan nagpositibo sa rabies ng aso!
Photo courtesy: Screengrab from contributed video

Isang tupa ang kumpirmadong nagpositibo sa rabies sa General Santos City. 

Ayon sa mga ulat, pinaghihinalaang nakuha ng tupa ang rabies mula sa kagat ng ligaw na asong pagala-gala umano sa lugar.

Hindi rin iniaalis ng mga awtoridad ang posibilidad na nakuha ng tupa ang rabies mula sa isa pang tupa na nauna nang nagpositibo noong Nobyembre.

Ayon City Veterinarian na si Edward Alexander Leyson, ito raw ang kauna-unang pambihirang pagkakataon na nahawa ang mga tupa sa rabies na mula sa aso.

Probinsya

24-anyos na lalaki, minartilyo ang ex-jowa dahil sa selos?

"The RADDL (Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory 12) recorded a positive result for rabies on a sheep for the first time," saad ni Leyson.

Nasa 30 tupa na ang kinuhanan ng sample ng mga dugo mula sa isang farm upang matukoy kung may karga rin umanong rabies ang mga ito.

Samantala, umabot na sa 25 na kaso ng rabies sa hayop ang naitala sa nasabing lugar. Habang sa hiwalay na datos ng Department of Health (DOH), pumalo naman sa 260 katao ang nagkaroon ng rabies sa buong bansa mula Enero hanggang Setyembre, 2025.