December 13, 2025

Home BALITA National

TUCP kay PBBM: 'Kung kayang taasan sweldo ng unipormado, kaya rin sa manggagawang Pilipino'

TUCP kay PBBM: 'Kung kayang taasan sweldo ng unipormado, kaya rin sa manggagawang Pilipino'
TUCP/FB

'WALA DAPAT DOUBLE STANDARD!'

Nagpahayag ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kaugnay sa ipatutupad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na pagpapataas ng sahod ng  military and uniformed personnel (MUP) mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Kaugnay na Balita: 'Makatarungang sahod at suporta!' PBBM, itataas suweldo ng military and uniformed personnel-Balita

Ayon sa TUCP nitong Biyernes, Disyembre 5, dapat wala raw double standard ang Pangulo. Anila, kung kayang taasan ang sahod ng MUP ay dapat kaya rin daw sa mga manggagawang Pilipino. 

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Kung kaya'y muli nilang ipinanawagan kay Marcos na i-certify as urgent at agarang pagpasa ng panukalang  ₱200 daily minimum wage increase.

“Mr. President, wala dapat double standard, kung kaya natin taasan ang sweldo ng mga unipormado, kaya rin nating taasan ang sweldo ng manggagawang Pilipino. As we recognize the service and sacrifice of our men and women in uniform, let us not lose sight of our over five million minimum wage earners who are working too hard yet paid too little for far too long already. Kilalanin at suklian din natin ang ating mga manggagawang patuloy na nagsasakripisyo habang nagseserbisyo sa kani-kanilang opisina at pagawaan habang sila at ang kanilang pamilya ay lugmok sa kagutuman, kahirapan, at kawalang kinabukasan,” saad ni Party-list Representative and House Deputy Speaker Raymond Democrito C. Mendoza.

“Paano naman ang morale, kalusugan, at dignidad ng ating mga manggagawa at kanilang pamilya’t anak na ating kinabukasan? Just like our nation’s defenders, Filipino workers continue to power our industries and economy with their labor productivity despite being denied a substantial legislated wage hike since 1989 and deprived of their Constitutional right to a living wage. Without a wage hike now, our workers not only confront deprivation but desperation. Kung hindi kikilos ang Pangulo na sertipikahang urgent at ang Kongreso na isama sa LEDAC priority bills, baka lalong maubos ang pasensya ng sambayanang Pilipino na habang bilyun-bilyong ang ninanakaw ng iilan, ang dalawandaan ay hindi maibigay-bigay,” dagdag pa niya.

Nito ring Biyernes, tahasang ipinahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi dapat kuwestiyunin ang suportang ipinapakita ni Marcos sa mga MUP.

MAKI-BALITA: Pagsuporta ni PBBM sa MUP, 'di dapat kuwestiyunin—Usec. Castro