December 11, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaking bagong laya sa kulungan nang-hostage sa laundry shop

Lalaking bagong laya sa kulungan nang-hostage sa laundry shop

Nasakote ng pulisya ang isang lalaking ginawa umanong "human shield" ang babaeng staff sa isang laundry shop sa San Fernando Pampanga. 

Ayon sa mga ulat bigla na lamang daw pinasok ng suspek ang nasabing laundry shop at saka hinablot ang babaeng staff nito sabay tutok ng patalim sa leeg ng biktima.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad pilit umanong iginiit ng suspek na may humahabol sa kaniya kaya napilitan na lamang siyang magtago sa laundry shop at i-hostage ang babae upang gawing panangga.

Lumabas din sa record ng mga rumespondeng pulisya na kalalaya lamang ng suspek mula sa kulungan. 

Probinsya

24-anyos na lalaki, minartilyo ang ex-jowa dahil sa selos?

Samantala, mabilis namang sumuko ang suspek matapos mapakiusapan ng mga awtoridad.

Bagama't inaresto ang suspek, nagdesisyon ang biktima na hindi na lamang ito sampahan ng kaso kung kaya't muli na lamang itong pinakawalan ng pulisya.

Nakatakdang i-turn over sa social welfare department ang sitwasyon ng suspek matapos mapag-alamang wala na umanong nabalikang pamilya ang suspek matapos siyang unang makalabas sa kulungan.