Nakatikim ng maanghang na sermon kay Kuya ang ilang celebrity housemates matapos makakuha ng maraming violations ng ilan sa kanila.
Sa latest episode ng Pinoy Big Brother: Celebrtiy Collab Edition 2.0 noong Huwebes, Nobyembre 4, pinapunta ni Kuya sa confession room ang housemates na gustong kumausap sa kaniya.
Unang tumugon sa tawag na ito ang team ng Palabangkels na binubuo nina Sofia Pablo, John Clifford, Lella Ford, at Rave Victoria.
“Sa mga ipinakita ninyo, it’s like you’re all entitled. Ganito na ba talaga ang kabataan? Ganito na ba talaga ang henerasyon ninyo?” tanong ni Kuya kay Clifford
Sagot naman ni Clifford, “Sa outside world, gano’n din naman po ako sa mga magulang ko po, Kuya. Hindi po ako marunong sumunod. I’m rule breaker. Ako ‘yong type na hindi sineseryoso ‘yong rules.”
“I’m gonna be honest. I like being in the center of attention po, Kuya. ‘Yon ‘yong isang bagay na gusto kong pinapakita pero never kong inaamin na gano’n ako, Kuya,” dugtong pa niya.
“Sa aking palagay,” sundot naman ni Kuya, “sa panahon ngayon, ang salitang pagpapakatotoo ay madalas ginagamit na isang lisensiya para maging matigas ang ulo at para gawing isang excuse.
Pero ayon kay Kuya, ang tunay na kahulugan at halaga umano ng pagpapakatotoo ay ang akto ng integridad.
“Naiintindihan kita, Clifford,” pagpapatuloy pa niya. “‘Yong mga sinabi mo tungkol sa sarili mo. At alam ko, it took some courage for you to do that. Hindi rin ito ang paraan para tanggapin ka.”
Matatandaang kamakailan lang ay napuna ng ilang netizens at tagasubaybay ng edisyong ito ng PBB ang tila pagiging burara umano ng housemates.