December 12, 2025

Home BALITA Metro

Ginang, tepok sa hit-and-run

Ginang, tepok sa hit-and-run

Isang ginang ang patay nang ma-hit-and-run ng isang motorsiklo sa Tanay, Rizal nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 4. 

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawang nagkakaedad ng 50-60 taong gulang, katamtaman ang laki ng pangangatawan at nakasuot ng brown na sleeveless na blouse at shorts.

Samantala, nakatakas naman ang 'di kilalang motorcycle rider at pinaghahanap na ng mga awtoridad.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Marilaque Highway, sa Sitio Mayagay-1, Barangay Sampaloc, sa Tanay.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Sa salaysay ng testigo sa insidente, mag-isa umanong naglalakad sa madilim na bahagi ng lugar ang biktima nang bigla na lang itong mabangga ng motorcycle rider.

Sa tindi ng impact nang pagkakabangga, tumilapon ang biktima at nagtamo ng sugat sa ulo na agaran nitong ikinasawi.

Sa halip namang hintuan, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa direksiyon ng Cogeo, Antipolo.