Hindi kasama sa listahan ni Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo ang pagsabak muli sa mundo ng politika.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, nausisa si Ahtisa kung ano ang susunod na kabanata ng buhay niya matapos ang Miss Universe kung saan nasungkit niya ang ikatlong pwesto.
“What is next?” tanong ni Boy. “Politics?”
“No, Tito. I tried to, for a while. I thought I was going to get into it, pero sabi ko, 'Parang hindi pa kaya ng skill set ko.' So now, I don't know yet," saad ni Ahtisa.
Gayunman, hindi raw isinasara ng beauty queen ang posibilidad para dito.
Matatandaang kumandidato si Ahtisa noong 2025 midterm elections bilang konsehal sa bayan ng Candelaria, Quezon sa ilalim ng Akbayan slate.