December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Dating PBB housemate Budoy Marabiles, pumanaw na!

Dating PBB housemate Budoy Marabiles, pumanaw na!
Photo Courtesy: Sigbin House at Eden Resort (FB), PBB (YT)

Sumakabilang-buhay na ang dating Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 1 housemate na si Errol "Budoy" Marabiles sa edad na 54.

Sa isang Facebook post ng business partner ni Budoy sa Sigbin Haus noong Huwebes, Disyembre 4, kinumpirma niya ang pagpanaw ni Budoy.

“It is with a heavy heart I write this. Today at 3pm my partner at Sigbinhaus and best friend for almost 20 year, Errol 'Budoy' Marabiles, suddenly left us,” saad sa caption.

Dagdag pa rito, “I could write a ton about our good memories, but right now, I feel just so empty and lonely.”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Matatandaang 2006 nang umere ang kauna-unahang celebrity edition ng PBB kung saan nakasama ni Budoy Zanjoe Marudo, Bianca Gonzalez, Roxanne Barcelo, Christian Vasquez, Aleck Bovick, John Prats, at BB Gandanghari.

Si Keanna Reeves ang itinanghal na Big Winner sa edisyong ito.

Samantala, bago pa man nakapasok si Budoy sa Bahay ni Kuya, kilala na siya bilang reggae singer. Ilan sa mga kanta niya ay ang  “Buwad Suka Sili,” at ""Budoy," “Sigbin Dub." “Kawatan,” at “Ako si M16.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang pamilyang naulila ni Budoy.