December 13, 2025

Home BALITA National

'Buntot niya, hila niya!' Pulong, 'di kailangang magtago kung walang tinatago—Usec. Castro

'Buntot niya, hila niya!' Pulong, 'di kailangang magtago kung walang tinatago—Usec. Castro
Photo courtesy: RTVM (YT), BALITA FILE PHOTO

Naglabas ng komento ang Palasyo kaugnay sa naging pagtanggi ni Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa imbitasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na dumalo sa siya sa pagdinig nito. 

Ayon sa isinagawang press briefing ni Palace Press Officer at Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro nitong Biyernes, Disyembre 5, sinabi niya ang kasabihang “buntot mo, hila mo” para kay Duterte. 

“May kasabihan tayo, ‘buntot niya, hila niya,’” pagsisimula niya. 

Paliwanag pa ni Castro, “It means you are responsible for the consequences of your own acts.” 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Pagdidiin ni Castro, marami na rin naman daw na mga mambabatas ang gumalang sa imbitasyon ng ICI at hindi kailangang “magtago” ni Duterte kung wala raw itong tinatago. 

“Marami na pong mga mambabatas na gumalang sa pagpapatawag ng ICI.Nagbigay ng kanilang mga response, ng kanilang mga nalalaman, at kung walang itinatago, ‘di dapat magtago,” pagtatapos pa niya.

Matatandaang tinanggihan ni Duterte ang imbitasyon ng ICI para dumalo sa kanilang pagdinig ayon sa sinagot nilang liham sa Komisyon na nakapetsa noong Disyembre 3, 2025. 

MAKI-BALITA: 'Pure political propaganda!' Rep. Pulong, tinanggihan imbitasyon ng ICI

“I view ICI as President Marcos Jr.'s tool for pure political propaganda to weaken, or worse destroy the name of VP Sara, FPRRD and our Duterte family's good name. It is a continuing political propaganda and harassment against our family with a view to the 2028 Presidential, national and local elections,” depensa ni Duterte sa kabuuan ng mga dahilang inilatag niya sa pagtanggi sa ICI.

MAKI-BALITA: 'Ba't biglang dinaga si Polong?' Rep. Tinio, binoldyak pagtanggi ni Rep. Duterte sa ICI

MAKI-BALITA: 'Ugok, di ako pinanganak kahapon!' Rep. Pulong, rumesbak kay Rep. Tinio

Mc Vincent Mirabuna/Balita