Posibleng mag-landfall bukas, Biyernes, Disyembre 5, ang Bagyong Wilma, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Disyembre 4.
Ayon sa 5:00 PM weather bulletin ng PAGASA, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Eastern Visayas o sa Dinagat Islands bukas ng gabi o sa Sabado ng umaga. At tatahakin nito ang Visayas sa Linggo.
Huling namataan ang bagyo sa layong 575 kilometro Silangan ng Catarman, Northern Samar. Taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 55 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-west southwestward sa bilis na 10 kilometers per hour.
Samantala, nadagdagan pa ang listahan ng mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 1.
LUZON
Southern portion ng mainland Masbate
VISAYAS
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern portion ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
Eastern at central portions ng Bohol
MINDANAO
Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands
Dinagat Islands
Northern portion ng Surigao del Sur
Northern portion ng Agusan del Norte