Isa sa mga apektado sa nangyayaring isyu sa pagitan ng TV5 at ABS-CBN patungkol sa umano'y hindi naibibigay na revenue share ng huli sa una, kaugnay sa kanilang partnership deal, ay si TV at radio personality "DJ ChaCha."
Nitong Huwebes, Disyembre 4, sumambulat ang mga balitang tinerminate na ni TV5 chairman/owner Manny Pangilinan ang partnership deal sa Kapamilya Network, kung saan, ilan sa mga programa nito ay umeere sa kanila, kagaya na lamang ng "FPJ's Batang Quiapo" at "ASAP."
Agad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang Kapamilya Network, at sinabing nauunawaan nila ang kanilang obligasyon sa TV5, subalit ginagawan nila ito ng paraan dahil nga sa "makasaysayan" nilang pagkalugi dulot na rin ng pagkawala ng kanilang prangkisa noong 2020, sa kasagsagan pa ng pandemya.
Kaugnay na Balita: 'Our service to you will continue!' ABS-CBN, nagsalita sa napipintong pagwawakas ng partnership deal sa TV5-Balita
Kinahapunan, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang TV5 at sinabing bagama't pinahahalagahan nila ang partnership sa ABS-CBN, kailangan din nila ang perang aabot sa 1 bilyon, para naman sa kanilang sariling expenses.
Kaugnay na Balita: 'TV5 is also faced with its own challenges!' TV5 sinagot ABS-CBN sa kanilang partnership deal issue
Kaya naman, hindi kataka-takang apektado rito si DJ ChaCha dahil bago lumipat sa Kapatid Network, nanggaling muna siya sa Kapamilya Network.
DJ muna ng MOR 101.9, FM radio station ng Kapamilya Network si ChaCha, bago lumipat sa TV5 at maging ka-tandem ni Ted Failon sa "Failon Ngayon," na galing din sa ABS-CBN.
"My heart is heavy seeing this news. To my TV5 and ABS-CBN family, I hope everything works out smoothly for both. This isn't just business, these networks are my home. Sana maayos lahat," Mababasa sa Facebook post niya.