Kinuwestiyon ni Sen. Rodante Marcoleta ang suspensiyon ni Rep. Kiko Barzaga, na tinawag niyang hindi simpleng usapin ng ethics kundi isang hakbang umano upang patahimikin ang kritisismo at maiwasan ang paglalantad ng mas malalalim na suliraning dapat umanong suriin ng publiko.
Ayon sa senador, “The suspension of Rep. Kiko Barzaga is not merely a dispute over ethics—it is about silencing dissent. It is a reaction to his efforts to spotlight deeper, long-standing problems that demand public scrutiny.”
Giit niya, bagama’t malinaw ang mga ebidensiya, pinili umano ng komite na parusahan ang mga pahayag na naglalayong bigyang-pansin ang mga isyu sa governance, accountability, at public welfare.
Dagdag ni Marcoleta, “When a governing body stretches the concept of ‘ethics’ to include criticism of systemic shortcomings, it transforms an oversight mechanism into a tool of political control.”
Pinaliwanag niya na ang mga post na tinutukoy ay ginawa upang magtaas ng kamalayan, makipag-ugnayan sa publiko, at gumamit ng humor o komentaryo upang ilantad ang mahahalagang isyu.
Aniya, “These are core democratic spaces that should not be sacrificed in the altar of the House Rules.”
Ayon pa sa senador, ang social media ay isa na sa pinakadirektang paraan ng komunikasyon ng mga opisyal sa mamamayan. Kaya’t ang pagparusa umano sa ganitong uri ng pahayag ay nagdadala ng mensaheng tanging “sanitized and approved speech” lamang ang ligtas, bagay na salungat sa transparency at openness na dapat itinaguyod ng ethical governance.
Sa bahagi ng kanyang pahayag sa Filipino, sinabi ni Marcoleta, “Sa isang lipunang demokratiko, tungkulin ng pamahalaan na pakinggan ang mga hinaing at kritisismo at hindi ang supilin ang mga ito dahil dito nakasalalay ang tiwala ng mamamayan at ang lakas ng ating mga institusyon.”
Matatandaang noong Disyembre 1 nang tuluyang masuspinde sa si Barzaga matapos siyang patawan ng 60 araw na suspensyon ng Kamara.
Umabot sa 249 kongresista ang bumoto pabor sa suspensiyon, habang 11 ang nag-abstain at 5 ang kumontra.
KAUGNAY NA BALITA: 'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo