December 18, 2025

Home SHOWBIZ

‘Of course, puwede!’ Gloria Diaz aprub sa '₱500-Noche Buena' ng friend na si DTI Sec. Roque, binakbakan

‘Of course, puwede!’ Gloria Diaz aprub sa '₱500-Noche Buena' ng friend na si DTI Sec. Roque, binakbakan
Photo courtesy: via Balita


Nanindigan si Miss Universe 1969 Gloria Diaz hinggil sa pahayag ni Department of Trade and industry (DTI) Sec. Cristina Roque na kasya raw ang budget na ₱500 upang makapaghanda ang pamilyang Pilipino sa darating na Noche Buena.

Aniya, ipinakita raw ito sa kaniya ng kaniyang “good friend” na si Roque.

“Of course, puwede,” saad ni Gloria sa isinagawang media conference ng pelikulang “Rekonek” kamakailan.

“And by the way, Cris is a good friend of mine. She showed me all of DTI’s [meal plan] for ₱500. You can have corned beef, fruit salad, you can have pineapple juice na dinadagdagan ng maraming yelo, and you can eat pansit,” dagdag pa niya.

Tila iba naman ang punto ng co-stars ni Gloria sa naturang pelikula. Giit nina Carmina Villaroel, Zoren Legaspi, at Charlie Dizon, hindi raw kakasya ang ₱500 para sa Noche Buena.

“Hindi talaga, sorry ha. I think it really depends sa pamilya—kung gaano kalaki ‘yong pamilya, kung ano’ng gusto n’yong ihain sa Noche Buena,” ani Carmina.

“Sorry ha, everyone’s missing the point. The point is Noche Buena. Noche Buena is a feast, so kung maka-second rice ka, tatlong rice, habang nakikipagkuwentuhan ka, it’s not a day or night of nagtitipid. It’s a feast for everyone,” sabi naman ni Zoren.

“Ako, honestly, feeling ko hindi kasya ‘yong ₱500 kasi sa totoo lang, sa isang araw [nga], ang hirap na pagkasyahin ng ₱500. Kahit sa dalawang tao, ang hirap pagkasyahin,” ayon naman kay Charlie.

Hindi naman nagpahuli ang netizens at ibinahagi rin ang kanilang sentimyento at reaksyon hinggil sa pahayag ng dating beauty queen.

“Ay kaibigan pala ni Diaz suportahan niya wow”

“Mas matalino pa c zoren sumagot kay sa mu gloria.”

“Christmas is a celebration for pilipino tapos sasabhin kasya 500 pakita nyo po handa nyo sa pasko kung kasya ang 500 gloria diaz kung makakain mo un menu na sinab mo”

“Gloria, kayong dalawa na lang ni Cristina Roque ang magsama sa 500 nyo for noche buena. Palibhasa ex-husband mo si Bong Daza na BFF ni BBM at totoong tatay ni charice”

“Tama c carmine and zoren. Pro Marcos kasi itong c Gloria. Kala niya 1970s pa”

“I agree 100% with Zoren and Carmina. Gloria's comment is detached from reality and shows lack of understaning and empathy to the plight of the working class Filipinos.”

Matatandaang ilang mambabatas at personalidad din ang nagpahaging hinggil sa usapin ng ₱500 Noche Buena.

“Hindi totoo ‘yon. Matagal na na hindi kasya ang ₱500 para sa noche buena ng [isang] pamilya,” ayon kay Vice President Sara Duterte.

"Sa anong planeta kasya yung ₱500 para sa Noche Buena ng pamilyang Pilipino?" saad ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon.

“Kahit siguro ChatGPT di kakayanin irender yung ₱500 pesos noche buena na yan madame," komento naman ng aktor na si Benjamin Alves.

"₱500 Noche Buena package?!!! Saan po makakabili niyan? Wag n’yo pong insultuhin ang mga Pilipino. Naku po. Queso de Bola? Holen size po ba ito?” buwelta ng aktres at Quezon City 5th District Councilor na si Aiko Melendez.

MAKI-BALITA: VP Sara sa '₱500 Noche Buena' ni Sec. Roque: 'Matagal nang 'di kasya ₱500'-Balita

MAKI-BALITA: Rep. Ridon sa ₱500 pang-Noche Buena ng DTI: 'Sa anong planeta kasya yan?'-Balita

MAKI-BALITA: 'Stop disrespecting the working class!!' Benjamin Alves, pumalag sa ₱500 budget sa Noche Buena-Balita

MAKI-BALITA: 'Wag na ipilit!' Aiko bumanat ulit sa DTI, bet imbitahan si Roque sa Noche Buena-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA