Walang pinalad na makapag-uwi ng milyon-milyong premyo ng Lotto 6/42 at Super Lotto 6/49 nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 4, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa pagbola ng PCSO, walang nakahula sa winning combination ng Lotto 6/42 na 31-41-3-11-12-29 na may kaakibat na ₱27,190,231.20.
Wala ring nakapag-uwi ng ₱35,274,192.00 premyo ng Super Lotto 6/49 dahil walang nakahula sa winning numbers nito na 35-24-16-26-44-28.
Kaya asahan na mas tataas pa ang mga premyo sa susunod nitong bola.
Binobola ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado habang kada Martes, Huwebes, at Linggo naman ang Super Lotto 6/49.