December 21, 2025

Home BALITA

Metro Manila, Mindanao solon, solido para sa liderato ni Speaker Dy

Metro Manila, Mindanao solon, solido para sa liderato ni Speaker Dy

Hindi bababa sa 97 miyembro ng Kamara mula sa Mindanao at Metro Manila ang nagpaabot ng kanilang suporta kay Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

Sa tala, 30 sa 33 district representatives mula sa Metro Manila ang nagpahayag ng suporta, habang umabot naman sa 67 ang mga mambabatas mula sa Mindanao, na pinangunahan ni Deputy Speaker Ferdinand Hernandez.

Ayon sa pahayag ng opisina ng Speaker, “Together, the two regions—representing the nation's political capital and its second-largest island—delivered their strongest collective endorsement yet for the Speaker.”

Pinuri ng mga Metro Manila congressmen si Dy, at sinabing, “Despite this significant challenge, your calmness, sincerity, and principled approach have been a unifying force within the chamber.”

National

Romeo Acop, pumanaw na; natagpuang walang malay sa kuwarto

Samantala, sinabi ng 67 Mindanao legislators na mahalagang pangunahan ng isang lider na may katatagan at respeto sa batas ang Mababang Kapulungan. Anila, dapat pangunahan ang Kamara ni Dy “whose leadership is grounded in stability, continuity, and the rule of law.” 

Dagdag nila, “For these reasons, we affirm our strong support for Speaker Dy.”

Nauna nang nagpahayag ng “unequivocal support” ang 39-member Northern Luzon Alliance para kay Dy, binanggit ang umano’y mahusay na pamumuno at karakter nito sa paggiya sa Kamara. Nagpahayag din ng suporta ang 44-strong Party List Coalition Foundation Inc. para sa kanyang speakership.

Sa kabuuan, umaabot na sa 180 mambabatas—o mayorya ng humigit-kumulang 300 miyembro ng Kamara—ang nagpahayag ng suporta sa pamumuno ni Dy.

Ilang ulat naman ang nagsabing may mga tangkang palitan si Dy at italaga si Deputy Speaker Ronaldo Puno ng Antipolo City bilang bagong Speaker. Si Puno ay kilalang lider ng National Unity Party, ang pangalawang pinakamalaking partido sa Kamara na may hindi bababa sa 43 miyembro.

Samantala, sinabi ng Malacañang na walang kinalaman si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa anumang pagpili o pagbabago sa liderato ng Mababang Kapulungan.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, naglabas siya ng pahayag matapos tanungin hinggil sa mga ulat na malapit na umanong palitan si Dy, na posibleng si Puno ang papalit.