Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na nangangailangan sila ng libo-libong workforce para sa 2026, kaya inaasahang mas maraming mga magbubukas na teaching position at iba pang mga kaugnay na trabaho para sa akademya.
Mababasa sa opisyal na Facebook page ng DepEd Philippines ang balak ng kagawaran na mas palakasin pa ang manpower ng DepEd sa pamamagitan ng pag-hire ng 32,916 bagong Teacher I positions, 6,000 Principal I positions, at 10,000 School Counselor Associate positions.
May budget itong ₱42.3 bilyong budget para mag-hire ng mga nabanggit na posisyon.
May kaukulang budget din para magdagdag pa ng mga katuwang ng mga guro, kaya magha-hire din sila ng 11,268 Administrative Officer II positions at 5,000 Project Development Officer I positions.
Iginiit din ng DepEd na mas maraming guro, mas malakas na suporta sa paarala, kaya tuloy-tuloy ang kagawaran sa pagpuno ng mga naaprubahang plantilla, gaya ng 20,000 teaching positions para sa FY 2025 at 33,052 bakante pang teaching items.
"Kapag nagdagdag tayo ng libo-libong guro at mga kawani, mas nabibigyang-pansin ng mga guro ang mga batang kailangang abutin," ani DepEd Sec. Sonny Angara.
"Determinado ang PBBM admin na palakasin ang pwersa ng mga guro at school personnel para mas umangat ang kalidad ng pagtuturo sa bawat paaralan," aniya pa.