December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'It was never offered!' Ahtisa Manalo, itinanggi usap-usapang inayawan niya Miss U Asia 2025 title

'It was never offered!' Ahtisa Manalo, itinanggi usap-usapang inayawan niya Miss U Asia 2025 title
Photo courtesy: GMA Network/YT


Itinanggi ni Miss Universe 2025 3rd runner-up Ahtisa Manalo na inayawan niya ang Miss Universe Asia 2025 title, kaugnay sa mga usap-usapan hinggil sa pag-decline umano niya sa naturang titulo.

Sa pakikipanayam ni Ahtisa programang “Fast Talk with Boy Abunda” noong Miyerkules, Disyembre 3, nagbigay ang beauty queen ng isang paglilinaw patungkol sa nasabing usapin.

“It was never offered to me in the first place,” pagsisiwalat ni Ahtisa.

“Alam mo Tito [Boy], ang nangyari nga [r]iyan, even before nag-assume pa nga ako, e. Even before in-offer sa akin, sabi ko kay Mama J[onas], ‘Ma, ‘pag nag-offer sila [about Miss Universe Asia 2025 title], huwag na nating tanggapin.’ Iyon ‘yong sabi ko sa kaniya—pero in-assume ko lang, hindi naman nila in-offer talaga,” saad pa niya. “So, I don’t know where the rumors started that it was officially offered to me, but I don’t know anymore what the talks were between Mama J and the [Miss Universe] Organization. But on my behalf, it was never offered to me.”

Hiningian din ni Tito Boy si Ahtisa ng reaksiyon hinggil sa pagbitiw ni Miss Universe 2025 4th runner-up Olivia Yace ng Cote d’Ivoire sa Miss Universe Africa and Oceania 2025 title, at ang umano’y pag-uunfriend ng kandidata sa bawat isa.

“Ang daming nangyayari. Alam mo ako kasi, I stay in my lane. Parang okay, I have goals, I have things I wanna do. I stay in my lane [kaya] hindi ko alam ‘yong mga nangyayari na unfollowing,” saad ni Ahtisa.

Inamin din niya na si Miss Universe 2nd runner-up Stephany Abasali ng Venezuela, na siya ring tinanghal bilang Miss Universe Americas 2025, ang tila nakikita niyang “contender” sa nagdaang kompetisyon.

Pag-amin niya, may kaunti umano siyang feeling na baka si Miss Venezuela ang mananalo at siya’y maging 1st runner-up, tulad noong Miss International 2018.

“I would usually see [Miss] Venezuela. Kasi feeling ko, mayroon din akong kaunting… kasi noong Miss International [2018], Venezuela was the winner. So, feeling ko, in the back of my head, mayroon akong natitirang feelings na okay, baka si Venezuela na naman this time, tapos 1st runner-up na naman ako,” ani Ahtisa.

Bigo mang masungkit ni Ahtisa ang korona sa ginanap na Miss Universe 2025 coronation night kamakailan sa Bangkok, Thailand, kinoronahan naman siya bilang MU 2025 3rd runner-up, na naglagay sa Pilipinas sa ikatlong semifinal streak nito sa Miss Universe competition.

MAKI-BALITA: 'Di nasungkit ang korona!' Pilipinas, 3rd runner-up sa Miss Universe 2025-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA