January 25, 2026

Home BALITA

Hanash ni Roque: Cong Meow Meow, dapat daw gawing House Speaker?

Hanash ni Roque: Cong Meow Meow, dapat daw gawing House Speaker?

Nagkomento si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa pagkakasuspinde ng Kamara kay Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga.

Sa isang video na ibinahagi ni Roque sa kaniyang Facebook account nitong Huwebes, Disyembre 4, 2025, iginiit niyang dapat daw maging House Speaker si Barzaga.

“Dapat talagang palakpakan ang mga matatapang, ang mga naninindigan, mga batang mambabatas, gaya ni Cong Meow Meow,” ani Roque. 

Dagdag pa niya, “Hindi po siya dapat suspendihin, dapat nga gawin siyang House Speaker.”

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Saad pa niya, sa ilalim umano ng magiging administrasyon ni Vice President Sara Duterte dapat maging House Speaker si Barzaga.

“Kaya nga po kung matatanggal ang Marcos bangag na 'yan. Importante siguro, sa ilalim ni Vice President Sara Duterte, eh dapat nga siguro eh maging House Speaker si Cong Meow Meow at bawian ang lahat ng binoto para sa pagkasuspinde n’ya,” saad ni Roque.

Matatandaang noong Disyembre 1 nang tuluyang masuspinde sa si Barzaga matapos siyang patawan ng 60 araw na suspensyon ng Kamara.

Umabot sa 249 kongresista ang bumoto pabor sa suspensiyon, habang 11 ang nag-abstain at 5 ang kumontra.

KAUGNAY NA BALITA: 'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo