Tila tiwala ang Unkabogable Star at It’s Showtime host na si Vice Ganda na Gen Z raw ang magsisimula ng henerasyong hindi papayag sa pang-aabuso sa mga usaping panlipunan at para sa bayan.
Ayon sa naging episode ng It’s Showtime noong Miyerkules, Disyembre 3, walang pag-aalinlangang sinabi ni Vice na malaki ang tiwala niya sa mga Gen Z.
“Malaki ang pag-asa ako sa Gen Z, sa henerasyon ngayon,” pagsisimula niya.
Ani Vice, boboto nang tama, mag-iingay, at lalaban ang mga Gen Z para sa maraming usapin.
“Hindi papayag ang mga Gen Z. Boboto sila, mag-iingay sila, lalaban sila,” aniya.
Pahabol pa niya, “Kayo ang boboses sa mga nananahimik.”
Pagpapatuloy pa ni Vice, ang Gen Z raw ang magsisimula ng henerasyong hindi pa papayag sa pang-aabuso.
“Ang Gen Z ang magsisimula ng henerasyon na hindi papayag sa pang-aabuso. Laban mga Gen Z,” pagtatapos pa niya.
Dahil dito, nagbigay rin ng saloobin ang co-host ni Vice na aktres na si Anne Curtis at sinabi niyang naniniwala rin siyang magiging mas mabuti at walang korapsyon na bansa ang Pilipinas dahil sa Gen Z.
“‘Yan ang mina-manifest natin. Tulad ng isang ina na mangangarap para sa mga anak nila, ganiyan din tayo para sa future generation,” saad niya.
“We manifest that the Philippines will be a bigger and greater place because of you guys. You will make the Philippines a better country with no corruption,” pagtatapos pa ni Anne.
MAKI-BALITA: ‘Yan ang mga dapat pinoprotektahan!' Vice Ganda, nawindang sa sahod ng private school teachers
MAKI-BALITA: Anne Curtis, nag-react dahil wala pang nakukulong na ‘big fish’ ng korapsyon
Mc Vincent Mirabuna/Balita