December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Di na tayo boboto ng mga bobong mamumuno!' Candy, push na itaas-suweldo ng teachers, bakit?

'Di na tayo boboto ng mga bobong mamumuno!' Candy, push na itaas-suweldo ng teachers, bakit?
Photo courtesy: Candy Pangilinan (X)/via MB

Umani ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang X post ng komedyante-aktres na si Candy Pangilinan, tungkol sa nakikita niyang epekto kung sakaling itaas ang suweldo ng mga guro sa Pilipinas, pampubliko man o pampribadong paaralan.

Mababasa sa X post ni Candy noong Disyembre 1, sa palagay raw niya, kung itataas ang sahod ng mga guro, mas maraming mga batang matuturuan nang tama.

At kapag naturuan na sila nang tama, tiyak daw na mababawasan na ang pagboto ng mga "bobong namumuno."

"Mas maganda siguro itaas ang sweldo ng mga guro private at public man ito. Isipin mo kung mas maraming mga bata ang matuturuan ng tama hindi na tayo boboto ng mga bobong mamumuno sa atin. Baka lang..." mababasa sa X post ni Candy.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Photo courtesy: Screenshot from Candy Pangilinan/X

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"More non-teaching staff, vehicles, more teaching materials, lesser seminars that is actually unnecessary if not actually applied to learning and better system. The way I see it, EDUCATION now focuses more on survival rather than learning."

"You can ask anyone why they want to finish school and they'll answer so they can find a 'better' job. But the disappointment they get when their tuition in college is more expensive than the salary they get now."

"Itaas ang sweldo = yes. Matutunan ang tama = napakahirap, dahil nasa tao den ultimately, reinforced by values-formation sa bahay. Maraming politicians nagtapos sa supposedly high-quality schools at matalino, pero wala den. Same behavior, mapa-government, corporate, and showbiz."

"Yun naman po talaga ang ideal. Make the teaching profession more fulfilling financially so great minds can teach without disadvantage. Then even young people can consider teaching as a viable profession after college. Then can we begin to maximize education as a tool to progress."

"Mababawasan ang mauuto nila. Ayaw nila yan. They want most people to have a herd mentality like a flock of sheep—madaling pasunurin, madaling takutin, madaling ma-bait."

Samantala, sumang-ayon naman si Candy sa isang netizen na nagsabing kailangang itaas ang suweldo ng mga guro, at i-reinforce ang value formation sa mga bata.

"Ibalik ang value formation. Saka yung love for country. Hindi naituturo. Naipaparamdam. Ipamulat," aniya.