December 13, 2025

Home BALITA National

'Di masaya mga tao!' Sen. Erwin Tulfo, kontra sa 'executive sessions' ng ICI?

'Di masaya mga tao!' Sen. Erwin Tulfo, kontra sa 'executive sessions' ng ICI?
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, BALITA FILE PHOTO

Nagbigay ng komento si Sen. Erwin Tulfo kaugnay sa pagkakaroon ng executive sessions ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kasabay ng pagsasagawa rin nito ng live streaming sa kanilang mga pagdinig. 

Ayon sa naging ambush interview ng media kay Tulfo sa Senado nitong Huwebes, Disyembre 4, ibinahagi niyang nalaman lang din umano niya kapuwa mayroong live streaming at executive sessions ang ICI. 

“‘Yong live streaming siguro. Kasi kanina nanonood ako at saka past few days, puwede ka palang tumanggi,” pagkukuwento niya. 

Dagdag pa niya, “I don’t know kung saan nila nakuha ‘yon pero from the very start, ang pagkakaalam ko, when they say live stream puwede pero wala ‘yong executive session.”  

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Or kung may executive session ka, kagaya sa atin [sa Senado], sandali lang then you have to go out again kasi may mga important matters.” 

Ani Tulfo, tila hindi raw masaya ang mga tao at nakukulangan ang mga ito dahil na rin executive sessions ng ICI. 

“Ang mga tao, hindi happy, e. Parang nakukulangan sila.” 

Pagpapatuloy pa niya, hindi naman daw siya makikialam at nasa ICI na raw kung babaguhin nila ang tungkol dito. 

“Depende pa rin. Nasa kanila ‘yon, nasa executive ‘yon. I cannot, ‘ika nga, interfere,” saad niya. 

Suhestiyon naman ni Tulfo, “Pero kung ako ang tatanungin mo, ang suggestion ko sana may [public hearing] na lang para makita ng tao na [may] transparency.”

Paglilinaw ng Senador, para na rin daw mawala ang pag-iisip ng publiko at mas lumakas pa ang kredibilidad ng ICI. 

“Baka mamaya may tinatago na naman. Alam mo na…Mas maganda siguro para magkaroon ng credibility, etc. Otherwise kung ano-ano iisipin ng mga tao,” aniya. 

Ani Tulfo, hindi raw niya sinasabing walang kredibilidad ang ICI pero maganda rin daw na may ipalit sila sa pagkawala ni dating dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Singson sa kaniyang puwesto bilang miyembro ng ICI.

“What I am saying kulang sila ng tao. Parang kailangan nila ng isang papalit kay Babes Singson,” paglilinaw ni Tulfo. 

Matatandaang nauna nang kumpirmahin ni ICI chairperson Andres Reyes, Jr. ang resignation ni Singson nito roong Miyerkules, Disyembre 3 dahil sa umano’y “stressful work” sa komisyon.

MAKI-BALITA: ‘My body cannot take it anymore!’ ICI ex-Comm. Singson, stress sa trabaho kaya nagbitiw sa puwesto

MAKI-BALITA: Sa pagbitiw ni Singson: ICI natodas na!—solon

MAKI-BALITA: Magalong, nalungkot matapos magbitiw si Singson sa ICI

Mc Vincent Mirabuna/Balita