Nagtungo na ang lucky lotto winner mula sa Nueva Ecija sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) upang kubrahin ang napanalunan niyang mahigit ₱184.9 milyong premyo.
Ayon sa PCSO, jumackpot ang lucky winner noong November 11, 2025 draw ng Super Lotto 6/49 na may premyong ₱184,998,366.40 matapos mahulaan ang winning combination na 04-25-20-14-12-05.
Ang naturang winning numbers ay hango sa birth date ng kaniyang misis at mga apo, ayon sa lucky winner nang makapanayam ng PCSO.
Dagdag pa ng lotto winner na mula pa noong 1995 siya tumataya sa lotto sa halagang ₱20.
Ayon pa sa kaniya, itatago niya muna ang napanalunan sa bangko.
Binobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo.