December 13, 2025

Home BALITA National

'Tagu-taguan?' Sen. Bato, binirong i-break record ni Sen. Lacson sa pagtatago

'Tagu-taguan?' Sen. Bato, binirong i-break record ni Sen. Lacson sa pagtatago
Photo courtesy: Senator Ronal Bato Dela Rosa (FB), Senator Ping Lacson (FB)

Ibinahagi sa publiko ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson na nagkabiruan daw sila ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa group chat nilang mga senador kaugnay sa “pagtatago” nito. 

Ayon sa naging ambush interview kay Lacson sa Senado noong Martes, Disyembre 2, sinabi niyang nakahanap daw siya ng panahon para kumustahin si Dela Rosa. 

“It was ingest… Sa chat group namin, mayroon kaming lahat ng senators, I found time na kumustahin lang siya,” pagsisimula niya. 

Ani Lacson, tila nahiritan siya ng biro ni Dela Rosa na lalampasan raw nito ang haba ng panahon ng pagtatago ni Lacson. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Sabi ko, kumusta ka na, mag-ingat ka lang, ganoon. Ang biro niya lang sa akin, ‘Sir, i-break ko ‘yong record mo sa pagtatago,’ tapos may ‘haha,’” pagbabahagi niya. 

Paliwanag ni Lacson, nangyari raw ang kumustahan nilang iyon noong hindi na pumapasok si Dela Rosa sa panahon ng deliberation nila sa budget ng Department of National Defense (DND).

“During our budget deliberation, interpolation that time. Noong hindi siya pumapasok na… Mga two (2) weeks ago,” aniya. 

“Sabi ko magtago ka mabuti. Biro lang ‘yon. Wala pa namang official warrant, e,” pahabol pa ni Lacson. 

Samantala, binigyang-linaw rin ni Lacson na maaaring magkaroon ng sanction ang isang mambabatas kung magkakaroon ito ng sunod-sunod na pagliban sa trabaho sa loob ng 30 araw ayon sa pagkakaalala niya sa kanilang regulasyon. 

“Mamamarkahan siyang absent. Mayroon kami sa rules na kapag 30 days, mayroong certain numbers of days na continuous absent session, parang may sanction. I’m not sure,” ‘ika niya. 

Nagawa ring magbigay ng payo ni Lacson para kay Dela Rosa at para sa mga awtoridad sakaling mang hanapin nila ang nasabing senador. 

“Ang advice ko sa kaniya, kung wala siyang intention na mag-surrender, magtago siyang mabuti. Ang advice ko sa law enforcement, hanapin n’yo siyang mabuti. Trabaho nila ‘yan, e, maghanap,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang sinabi ni Sen. Win Gatchalian na hindi raw sakop ang mga senador ng “No Work, No Pay” sa naging panayam sa kaniya ng "Tandem ng Bayan" ng DZMM noong  Lunes, Disyembre 1, 2025. 

Nauntag kasi nina Doris Bigornia at Robert Mano si Gatchalian tungkol sa nangyaring senate plenary debates sa budget ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan, bilang siya ang chair ng senate committee on finance.

Sumulpot sa panayam ang pagiging absent ni Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa mula pa sa kalagitnaan ng Nobyembre, at natanong si Gatchalian kung ano raw ba ang ipinadalang "excuse letter" ng senador sa kaniyang pagliban nang matagal. 

MAKI-BALITA: Bato, halos 1 buwang absent! Gatchalian nausisa kung 'no work, no pay' rin mga senador

Si Dela Rosa ay nagsimulang lumiban sa mga sesyon sa Senado nang sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla na may warrant of arrest na raw ang International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: SP Sotto sa isyung 'No Work, No Pay' ng mga mambabatas: 'Hainan ng ethics complaints nang maaksyunan'

MAKI-BALITA: 'Maraming congressman ginagawa 'yan dati, bakit ngayon Senado pinag-iinitan?'—SP Sotto sa isyu ng absent

Mc Vincent Mirabuna/Balita