December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Seryoso?' AJ Raval, ipinakilala ang 'eldest son'

'Seryoso?' AJ Raval, ipinakilala ang 'eldest son'
Photo Courtesy: AJ Raval (FB)

Tila nawindang ang publiko sa ipinakilala ni dating Vivamax sexy actress AJ Rafal na umano’y panganay niyang anak.

Sa latest Facebook post ni AJ noong Martes, Disyembre 2, ibinahagi niya ang larawan niya kasama ang isang lalaking kandong niya na halos hindi nalalayo sa kaniya ang edad.

“Meet my eldest son. ” saad ni AJ.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

"Seryoso?"

"hello eldest son im your future wife "

"Hyp ka aj naniwala ako salamat sa mga mosang sa com sec hahahaha"

"Niloloko ba kami nito hahaha"

"But nagging son ano edad niya nanganak but my malki na cyayng son"

"apply po ako youngest son, available pa po ba? "

"It's JK time "

"hello eldest son im your future wife "

Pero ang totoo, nakababatang kapatid ni AJ ang kasama niya, si JK Raval. 

Matatandaang kamakailan ay inamin na ng aktres sa publiko na isa na siyang ina ng lima niyang anak. Tatlo sa mga ito ay anak niya sa aktor na si Aljur Abrenica. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Not just 1, not just 2, but 3!' AJ umamin na, nakatatlong anak na kay Aljur!