Nangunguna bilang top-performing senator si Senador Raffy Tulfo, base sa latest survey ng WR Numero.
Base sa resulta ng survey na isinagawa noong Nobyembre 21-28, 2025, lumabas na 35% sa mga Pinoy ang naniniwalang nagagampanan ni Tulfo ang kaniyang tungkulin bilang mambabatas.
Sinundan si Tulfo ni Senador Bong Go na may 30%, habang pumangatlo naman sina Senador Rodante Marcoleta at Senador Robin Padilla na may 22%.
Narito ang iba pang senador kalakip ang porsyento ng kanilang performance ayon pa rin sa WR Numero
Sen. Erwin Tulfo - 20%
Sen. Tito Sotto - 16%
Sen. Bato Dela Rosa - 16%
Sen. Bam Aquino - 15%
Sen. Risa Hontiveros - 11%
Sen. Ping Lacson - 10%
Sen. Kiko Pangilinan - 9%
Sen. Imee Marcos - 8%
Sen. Lito Lapid - 7%
Sen. Loren Legarda - 7%
Sen. Alan Peter Cayetano - 7%
Sen. Pia Cayetano - 7%
Sen. Chiz Escudero - 5%
Sen. Win Gatchalian - 3%
Sen. Mark Villar - 2%
Sen. Camille Villar - 2%
Sen. Joel Villanueva - 2%
Sen. Migz Zubiri - 2%
Sen. Jinggoy Estrada - 1%
Sen. JV Ejercito - 1%
Samantala, pagdating naman sa performance assessment ni Senate President Sotto, makikitang umabot sa 33% na mga Pinoy ang nagsagot ng “lubos na mahusay” at “mahusay" sa kaniyang naging performance.
Maki-Balita: Pamumuno ni SP Sotto sa Senado, aprub sa 33% na mga Pinoy—WR Numero
KAUGNAY NA BALITA: 35% ng mga Pinoy, 'di nahusayan sa performance ng Kamara—WR Numero
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nanguna sa 2028 presidential pre-elections survey—WR Numero
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, naungusan performance ni PBBM--WR Numero