Nanguna si Sen. Bong Go sa isinagawang survey ng "WR Numero" para sa pre-election preferences para sa 2028 Vice Presidential elections.
Sinagot ng respondents ang tanong na "Kung ngayon ang araw ng 2028 national elections, sino sa mga sumusunod na pangalan ang iboboto mo sa pagka-bise presidente?"
Nanguna si Go na may 19.1%, pumangalawa naman si Sen. Robin Padilla na may 8.5%, pangatlo si dating Sen. Grace Poe na may 8.4%, pang-apat si Sen. Bam Aquino na may 7.2%, at panlima si Manila City Mayor Isko "Moreno" Domagoso na may 6.8.%.
Sumunod naman kay Domagoso si Sen. Kiko Pangilinan (5%), Sen. Imee Marcos (4.3%), Sen. Risa Hontiveros (2.8%), dating Senate President na si Sen. Chiz Escudero (2.6%), Baguio City Mayor Benjamin Magalong (1.7%), Sen. Mark Villar (1.2%), Sen. Win Gatchalian (1.2%), Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara (0.3%), at Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon (0.2%).
Photo courtesy: WR Numero
Nanguna si Go kung ang pag-uusapan naman ay factional partisanship, kung saan nakakuha siya ng 41% mula sa mga Pro-Duterte.
Photo courtesy: WR Numero
Siya rin ang nanguna kung ang pag-uusapan ay age group. 21% ang nakuha niya mula sa 30 anyos pababa, 19% naman mula sa 31 hanggang 59 anyos, at 14% naman mula sa 60 anyos pataas.
Photo courtesy: WR Numero
Pagdating naman sa pagkapangulo, nanguna sa listahan si Vice President Sara Duterte, na nakakuha ng 33.3%.
Pasok din sa listahan si Sen. Go na pumang-apat at nakakuha ng 4%.
Kaugnay na Balita: VP Sara, nanguna sa 2028 presidential pre-elections survey—WR Numero
Isinagawa ang survey mula Nobyembre 21 hanggang 28, 2025 na may sample size na 1.412 Filipinos.