December 12, 2025

Home BALITA Politics

Pulong, tinanggap hamon ni Tinio na imbestigahan flood control projects sa Davao

Pulong, tinanggap hamon ni Tinio na imbestigahan flood control projects sa Davao
Photo Courtesy: via MB

Naglabas ng pahayag si Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte matapos sabihin ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na pinaiimbetigahan nito sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang flood control projects sa distrito niya.

Sa latest Facebook post ni Duterte noong Martes, Disyembre 3, sinabi niyang tinatanggap niya ang hamon ng kapuwa niya kongresista.

“Pero kailangan kong itama ang maling pinapalaganap ni Tinio,” pasubali ni Duterte. “Yes, naging congressman ako noong 2019. Pero hindi ibig sabihin ako ang nag-design, nag-award, o nag-implement ng lahat ng proyekto mula 2019 hanggang 2022.”

“Ang DPWH ang implementing agency, may sariling bidding, sariling proseso, sariling responsibilidad,” pagpapatuloy niya. “Ako pinupuntirya mo kung di ka ba naman bobo. 

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Dagdag pa ng mambabatas, “Di ako member ng House Appropriations Committe at di ako nagtatrabaho sa DPWH. Lalo na di ako congtractor. Hindi ako engineer ng DPWH. Hindi ako pumipirma ng Notice of Award.”

Ayon din kay Duterte, ilang beses na rin umanong sinilip ng ICI at iba pang ahensya ng gobyerno ang kaniyang distrito.

Kaya ang tanong niya kay Tinio, “Bakit hindi niya sabay-sabay hinahabla ang mga distrito na may bilyon-bilyong flood control anomalies sa buong Pilipinas?”

“At bakit yung mga district na may P20B, P30B, P50B flood funds — hindi niya kayang banggitin?” dugtong pa ni Duterte.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa naglalabas ng reaksiyon o pahayag si Tinio kaugnay sa sinabi ni Duterte. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.