December 12, 2025

Home BALITA

VP Sara, naungusan performance ni PBBM—WR Numero

VP Sara, naungusan performance ni PBBM—WR Numero
Photo Courtesy: via MB

Naungusan ni Vice President Sara Duterte ang performance ng kasalukuyang pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ayon sa WR Numero.

Batay sa resulta ng performance assessment ng nasabing public opinion research firm, lumalabas na doble ang taas ng Bise Presidente kumpara sa Pangulo.

Pumalo ng 43% ang nagsasabing nahusayan sila sa liderato ni VP Sara habang 21% naman ang kay Pangulong Marcos, Jr.

Samantala, sa usapin ng hindi nahusayan, pinakamataas na porsiyento ang sa pangulo na nakakuha ng 47% at 23% naman ang sa Bise Presidente. 

Modtaks na may ‘cancer genes’ ipinagbili ng sperm bank sa iba’t ibang lugar

Ginawa ng WR Numero ang pagtatasang ito sa pagitan ng Nobyembre 21-28, 2025.