December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mga tomador, makinig! 'Pag inom, inom lang. Walang hawak hawak sa kamay ng katabi'

Mga tomador, makinig! 'Pag inom, inom lang. Walang hawak hawak sa kamay ng katabi'
Photo courtesy: Maui Anne Taylor (FB)/Freepik

Kinaaliwan ng mga netizen ang mababasang paalala sa verified official Facebook fan page account ng sexy star na si Maui Taylor, na paalala sa mga manginginom, lalo na ngayong yuletide season.

Para sa mga mag-iinuman kasi ang gentle reminder dito, lalo na kapag bangenge na't lasing na.

Dahil verified account at mga larawan ni Maui ang makikita sa page, ipinagpalagay at inimadyin na rin ng mga netizen na sinabi na rin ito ng sexy actress para sa mga tomador.

Mababasa rito, "Pag inom, inom lang. Walang hawak hawak sa kamay ng katabi.."

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Photo courtesy: Screenshot from Maui Anne Taylor/FB

Ibig sabihin, kapag inuman session, bawal ang kamanyakan!

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Binabantayan lang daw yung kamay ng KUNGFU. Kung fumulutan malupet."

"Ok lng ung kamay beh bsta kamay lng."

"Himas sa likod po pwede nasusuka daw po eh tapos sasmahan sa cr saw."

"Sa inuman dapat alalayan pag lasing na idol. Walang malisya."

"Basta pag may alak may balak"

Si Maui Taylor ay naging miyembro ng all-female group na Viva Hot Babes, na nakilala sa sexy films at TV appearances.