December 12, 2025

Home BALITA National

'Makatarungang sahod at suporta!' PBBM, itataas suweldo ng military and uniformed personnel

'Makatarungang sahod at suporta!' PBBM, itataas suweldo ng military and uniformed personnel
Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos (FB)

Nagpahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kaugnay sa utos nitong itaas ang suweldo ng lahat ng Military and Uniformed Personnel (MUP) simula Enero 2026 at sa mga kasunod pang taon.

Ayon sa bagong inilabas na video statement ni PBBM sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Disyembre 3, sinabi niyang itataas niya ang base pay ng MUP bilang pagkilala sa paglilingkod ng mga opisyal sa ilalim ng Department of National Defense (DND), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Corrections (BuCor), at National Mapping and Resource Information Authority.

“Bilang pagkilala sa inyong walang sawang paglilingkod, dedikasyon, at husay ating itataas ang base pay ng MUP,” pagsisimula niya.

“Kasama rito ang lahat ng military at uniformed personnel mula sa Department of National Defense, Department of Interior and Local Government, Philippine Coast Guard, Bureau of Corrections, National Mapping and Resource Information Authority,” pag-iisa-isa pa niya.

National

PBBM sa sektor ng edukasyon: 'Na-neglect natin nang napakatagal!'

Anang Pangulo, balak itong ipatupad pagsapit ng Enero 2026, Enero 2027, hanggang Enero 2028.

“Ito ay ipapatupad natin sa tatlong tranche. Sa January 1, 2026, January 1, 2027, at January 1, 2028,” saad niya.

Pagpapatuloy pa ni PBBM, magiging ₱350 kada-araw na rin umano ang subsistence allowance ng lahat ng MUP.

“Bukod pa riyan, simula January 1, 2026 ang subsistence allowance ng lahat ng MUP ay magiging ₱350 na kada-araw,” ‘ika niya.

Ani PBBM, para umano ito sa pagprotekta ng mga taong nagtatanggol sa bayan.

“Naniniwala ang administrasyong ito na ang nagtatanggol sa bayan ay nararapat ring protektahan ng pamahalaan,” paglilinaw niya.

“Makatarungang sahod at sapat na suporta, ito ang handog ng sambayanan sa ating mga tagapagtanggol,” pagtatapos pa niya.

MAKI-BALITA: 'Wag tanggalin kung na-injury!' PBBM, ibinida planong bagong CDD policy para sa kasundaluhan

MAKI-BALITA: ‘Your loyalty should be to the republic!’ PBBM, pinaalalahanan hukbong sandatahan sa obligasyon nila

Mc Vincent Mirabuna/Balita