December 14, 2025

Home BALITA

LTO, naglabas ng SCO laban sa isang amang pinagmaneho menor de edad niyang anak

LTO, naglabas ng SCO laban sa isang amang pinagmaneho menor de edad niyang anak
Photo courtesy: Land Transportation Office - Philippines/FB


Naglabas ng show cause order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang amang pinagmaneho ang kaniyang menor de edad na anak sa Echague, Isabela.

Kaugnay ito sa isang viral video sa social media hinggil sa isang batang nagmamaneho ng sasakyan sa kalagitnaan ng ulan.

Sa ulat ng ahensya nitong Miyerkules, Disyembre 3, pinag-utos ni LTO chief Assistant Sec. Markus Lacanilao kay Office-in-charge (OIC) Regional Director Geronimo Santos ng LTO Regional Office No. 2 sa Tugegarao City, Isabela na suspendihin ang driver’s license ng lalaki sa loob ng 90 na araw.

Ayon sa nakasaad na probisyon ng SCO, kinakailangan ng ama na magpaliwanag sa ahensya sa loob lamang ng tatlong araw. Ang hindi pagtugon ay nanganguhulugang pag-waive sa karapatan nitong magpaliwanag o marinig ang kaniyang panig.

Posibleng humarap ang ama sa mga kasong “Reckless Driving” at “Improper Person to Operate a Motor Vehicle” matapos ang naturang paglabag.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'



Vincent Gutierrez/BALITA