Mataas ang posibilidad na maging isang ganap na bagyo ang binabantayang low pressurea area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Miyerkules, Disyembre 3.
As of 5:00 PM, huling namataan ang LPA sa layong 1,095 kilometers East of Southeastern Luzon. Posible itong maging bagyo sa loob ng 24 na oras.
Kapag tuluyang maging bagyo ito, tatawagin itong #WilmaPH.
Ayon sa weather bureau, maaari itong makaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa kasalukuyan, magdadala na ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.