December 13, 2025

Home SHOWBIZ

‘Kay Eman lahat ‘yan?’ Jillian, nagpatakam ng katawan

‘Kay Eman lahat ‘yan?’ Jillian, nagpatakam ng katawan
Photo Courtesy: Eman Bacosa, Jillian Ward (IG)

Pinainit ni Kapuso Star Jillian Ward ang bakuran ng social media matapos niyang ibalandra ang kaniyang kaseksihan sa publiko. 

Sa latest Instagram ni Jillian noong Martes, Disyembre 2, mapapanood ang maikling video niya kung saan pinasilip niya ang mamawis-mawis niyang tiyan at korte ng katawan.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"OMG"

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

"Hala girl ano secret mo, gusto ko din! Haha anong workout mo?"

"Huhu tao ka papo ba?? Gandaaaaaaa"

"Grabe sa bewang ah. Mag rerepost na ulit si Emman hehe"

"Napakasexy!!! "

"Kay Emman lahat yan??"

"Omg!! Superb... Well, ikaw na talaga ang pinagpala niyan.. Bihira ang ganyang shape hah.. Basta Natural lng eh... Marami nko nakita niyan dito sa arab ladies pero nasobrahan nmn sila sa balakang... "

"Pareho Silang ni Andrea brilliantes kinulang sa height may panglaban sana sa mga beauty pageant Ang gaganda Ng mukha Jillian mestiza side si Andrea pinay beauty 8"

"What a hottie!!! "

"pasabog!! "

Matatandaang walang pakiyemeng inamin ng anak ni Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao na si  Eman Bacosa na si Jillian ang artistang Pinay na tipo niya nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Maki-Balita: 'Susunod na Jinkee?' Eman Bacosa, type si Jillian Ward!

Kaya naman sobrang pinag-usapan ng marami ang unang pagtatagpo nila sa ginanap na premiere night ng "Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) Gabi Ng Lagim The Movie" lalo na nang magkayapusan sila.

Maki-Balita: Eman, Jillian nagkadaupang-palad at nagkayapusan!