December 13, 2025

Home SHOWBIZ

‘I don’t want that to happen!’ Alden Richards, biggest fear tumandang mag-isa

‘I don’t want that to happen!’ Alden Richards, biggest fear tumandang mag-isa
Photo Courtesy: Alden Richards (FB), Pexels

Tila natuklasan na ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang isa sa pinakakinatatakutan niya sa kaniyang buhay. 

Sa panayam ng GMA Integrated News noong Martes, Disyembre 2, sinabi ni Alden na natatakot umano siyang tumanda mag-isa.

Aniya, “Siguro my fear is I might grow old alone. Ngayon lang siya dumating. Minsan kasi, wala talaga akong pakialam sa sarili ko, e.” 

“Kumbaga mas 'yong mga importante muna. Ngayon lang siya dumating sa akin. Just now. And I said It. That's my fear I might grow old alone. And I don't what that to happen,” dugtong pa ni Alden.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Samantala, ibinahagi rin niyang dumating umano sa punto na gusto na sana niyang umexit sa showbiz industry.

“I’d like to consider that as mild burnout already na hindi ko lang in-acknowledge. I just look at it na parang sabi ko, ‘Sa’n na ba ako papunta talaga?’ And then I wanted to go back to school,” anang aktor.

Matatandaang minsan na ring naikuwento ni Alden sa isang panayam na sumadsad umano siya sa rock bottom nang tamaan siya ng depresyon noong nakaraang taon.

Maki-Balita: Alden Richards, sumadsad sa ‘rock bottom’ ang mental health

Sa kabila nito, tila patuloy pa rin siya sa pakikipagpunyagi sa buhay dahil nasa industriya pa rin siya at kasalukuyang nagdiriwang 15 taon.