Naglabas ng komento si Vice President Sara Duterte kaugnay sa 60 araw na pagsuspinde ng Kamara kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga.
Ayon sa naging pahayag ni VP Sara sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Disyembre 3, tila hindi pabor ang Pangalawang Pangulo sa pansamantalang suspensyon ng Kamara kay Barzaga sa loob ng 60 na araw.
“The suspension of Rep. Kiko Barzaga is part of a series of efforts to silence voices that speak uncomfortable truths,” pagsisimula niya.
Photo courtesy: Inday Sara Duterte (FB)
Dagdag pa niya, “This is not the first time that critics of the government have been met with punitive action. In less than a year, we witnessed the kidnapping of a former President and the filing of inciting to sedition charges against several individuals—including myself—simply because we dared to question those in power.”
Ani VP Sara, hindi raw dapat na ituring na banta ang hindi pag-sang-ayon ng ilang indibidwal at hindi raw mula sa mga nasa kapangyarihan ang karapatan na magsalita ng isang tao.
“In a nation that takes pride in democracy, dissent should not be treated as a threat. The right to speak freely is not granted by those in power; it is a fundamental right guaranteed and protected by our very Constitution,” aniya.
Kinuwestiyon din ni VP Sara ang posibilidad na maaaring mangyari sa ordinaryong Pilipino ang nangyari kay Barzaga.
“Karapatan ito ng bawat Pilipino, lalo na ng mga lingkod-bayan na may tungkuling magsiwalat ng katotohanan. Kaya kung ang isang halal ng bayan tulad ni Cong. Barzaga ay maaaring patahimikin, paano pa ang mga ordinaryong Pilipinong wala namang kapangyarihan o posisyon?” tanong niya.
“Democracy demands courage. Democracy demands the freedom to speak and the freedom to question. I stand with every Filipino who refuses to be intimidated,” pagtatapos pa niya.
Matatandaang sinupalpal ng Kamara si Barzaga matapos siyang suspendehin ng 60 araw nang walang suweldo noong Lunes, Disyembre 1, base sa rekomendasyon ng House ethics committee.
MAKI-BALITA: 'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo
Sa plenary session, binasa ni 4Ps Rep. JC Abalos ang findings ng komite na nagsasabing nagkasala si Barzaga ng disorderly behavior dahil sa umano’y hindi angkop at bastos na mga post at larawan sa kaniyang social media accounts.
Umabot sa 249 kongresista ang bumoto pabor sa suspensyon, habang 11 ang nag-abstain at 5 ang kumontra.
MAKI-BALITA: Banat ni Barzaga: Maraming congressman may kabit, 'di na-eethics complaint!
MAKI-BALITA: Barzaga, ginagamit pangalan ni PBBM para magpakalat ng disimpormasyon—Palasyo
Mc Vincent Mirabuna/Balita