December 13, 2025

Home BALITA

Bong Revilla, 'di pa nakakatanggap ng subpoena

Bong Revilla, 'di pa nakakatanggap ng subpoena
Photo Courtesy: via MB

Naglabas ng pahayag ang kampo ni dating Senador Bong Revilla matapos maiulat na kasama siya sa pinakakasuhan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Obdudsman.

Ito ay dahil sa umano’y pagkakadawit ni Revilla sa “direct bribery,” “corruption of public officials,” at ”plunder.”

Ayon sa tagapagsalita ng dating senador na si Atty. Maria Carissa Guinto nitong Miyerkules, Disyembre 3, hindi pa nakakatanggap ng subpoena o kopya ng anomang reklamo laban sa kaniyang kliyente.

"We need to clarify that our client, former Senator Ramon Bong Revilla, has not received any subpoena or a copy of any complaint against him. He was never asked to explain. He was never given an opportunity to defend himself,” saad ni Guinto.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Dagdag pa ng tagapagsalita ni Revilla, nananatili raw ang kumpiyansa ng dating senador na lalabas ang katotohanan, lalo pa't ang paratang umano sa kaniyang kliyente ay gawa-gawa lang ng criminal mastermind at ng mga kasapakat nito.

Gayunman, sa oras na pumayag ang Ombudsman sa karapatan ni Revilla na sumalang sa preliminary investigation at marinig sa tamang pagkakataon ang  panig nito, hindi lang umano tatalakayin ng dating senador ang malisyosong paratang, ibabasura rin umano nito ang mga maling naratibo.

Matatandaang nauna nang tiniyak ni Ombudsman Boying Remulla na mabibigyan si Revilla ng warrant of arrest bago sumapit ang Pasko,

Maki-Balita: Co, Revilla, Estrada, Escudero atbp., may aginaldong warrant of arrest bago magpasko—Ombudsman