December 12, 2025

Home SHOWBIZ

Anne Curtis, nag-react dahil wala pang nakukulong na ‘big fish’ ng korapsyon

Anne Curtis, nag-react dahil wala pang nakukulong na ‘big fish’ ng korapsyon
Photo courtesy: Anne Curtis-Smith/IG


Tila iniisip din ng aktres at host na si Anne Curtis kung bakit wala pa ring nakukulong na mga “big fish” hinggil sa malawakang korapsyong lumalaganap sa bansa.

“I was just thinking this! Hahahaha! Graaaaaaaabe talaaaagaaaa,” saad ni Anne sa kaniyang social media post noong Martes, Disyembre 2.

Kaugnay ito sa ibinahaging X post ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno kung saan mapapanood ang pagtatanong ng mambabatas kung may makukulong na ba, gayong papalapit na ang Pasko.

“Anuna? Mga big fish, wala pa rin? December na…May magpapasok na ba sa kulungan?” pagtatanong ni Diokno.

Photo courtesy: Anne Curtis-Smith/X, Chel Diokno/X

Tila hindi naman napigilan ng netizens na ibahagi ang kanilang sentimyento at komento hinggil sa nasabing usapin.

“Wag ng umasa pa”

“Waley!! Pagasa ng Pilipino nalang ang laging nakakulong.   We are prisoners of a corrupt government.”

“The likes of @jinggoyestrada_, @SayChiz, @senatorjoelv, and the Discayas must be in jail already bagal lang talaga”

“So far meron na. Nasa The Netherlands”

“Remember the rainbow at Edsa.”

Ano naaaah magpapasko na wala parin nakukulong haha”

“Baka may humanitarian reason.”

“Feeling ko wala. Pinapatagal lang naman yung aksyon eh.”

Matatandaang kamakailan, nagbanta si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa mga may kinalaman sa malawakang korapsyon kaugnay sa maanomalyang flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Aniya, walang Merry Christmas ang mga ito, sapagkat sila ay makukulong bago pa man sumapit ang Kapaskuhan.

“Alam ko, bago mag-Pasko, marami dito sa napangalanan dito ay palagay ko, matatapos na 'yong kaso nila, buo na 'yung kaso nila, makukulong na sila. Wala silang Merry Christmas, before Christmas makukulong na sila,” saad ni PBBM sa kaniyang presidential report.

MAKI-BALITA: 'Wala silang Merry Christmas!' Mga sangkot sa flood control scam, tapos na maliligayang araw—PBBM-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA