December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Alamin muna ang totoo! Eman, bumwelta sa umiintriga sa pagiging touchy kay Jillian

Alamin muna ang totoo! Eman, bumwelta sa umiintriga sa pagiging touchy kay Jillian
Photo Courtesy: Eman Bacosa (IG), GMA Public Affairs (YT)

Sinagot ng anak ni Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao na si Eman Bacosa ang tila paratang sa kaniya ng ilan na touchy umano siya kay Kapuso Star Jillian Ward.

Sa latest episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” kamakailan, naitampok ang samu’t saring reaksiyon ng netizens sa naging pagkikita nina Jillian at Eman.

Ang ilan ay hindi nagustuhan ang ikinilos ni Eman na anila’y touchy masyado. Ngunit dumepensa ang iba at sinabing likas ito sa mga taong lumaki sa pamilyang puno ng pagmamahal.

Saad naman ni Eman sa muling pagbisita niya sa nasabing programa, “Sa mga gumagawa po ng negative issue, bago ka mang-judge ng tao, alamin mo muna kung ano ang totoo.“

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Matatandaang sa unang pagkikita nina Eman at Jillian ay nagkayapusan ang dalawa sa sa ginanap na premiere night ng "Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) Gabi Ng Lagim The Movie."

Maki-Balita: Eman, Jillian nagkadaupang-palad at nagkayapusan!

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko na si Jillian ang crush ni Eman. Ito ay matapos niyang aminin sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ang tungkol dito.

Maki-Balita: 'Susunod na Jinkee?' Eman Bacosa, type si Jillian Ward!