Patay ang isang 74 taong gulang na lolo matapos siyang atakihin ng kaniyang 27-anyos na apo sa Davao City.
Ayon sa mga ulat, mismong ang kapatid ng suspek ang nakasaksi sa naturang krimen, gamit ang dalawang kutsilyo.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakarinig na lamang ng ingay ang saksi sa kanilang bahay at saka ito nasundan ng sigaw ng biktima na humihingi ng tulong.
Nang silipin niya ang biktima, tumambad sa kaniya ang duguang katawan ng matanda na nagtamo ng saksak sa dibdib at leeg. Nakatayo naman ang suspek malapit sa crime scene.
Depensa ng kapatid ng suspek, may problema umano ito sa pag-iisip at nakailang beses na rin daw itong nagpabalik-balik sa mental health facility.
Makailang beses na rin daw pinagbantaan ng suspek ang biktima.
Samantala, napagdesisyunan na lamang ng mga kaanak ng biktima na hindi magsampa ng kaso dahil umano sa kondisyon ng suspek.