December 13, 2025

Home BALITA National

35% ng mga Pinoy, 'di nahusayan sa performance ng Kamara—WR Numero

35% ng mga Pinoy, 'di nahusayan sa performance ng Kamara—WR Numero
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tila hindi sang-ayon ang 35% na mga Pilipino sa paggampan ng House of the Representative sa kanilang tungkulin sa pagsusulong ng batas at paglalaan ng pambansang badyet. 

Ayon sa lumabas na resulta sa survey ng WR Numero makikitang pumalo sa 35% ang mga sumagot ng “lubos na hindi mahusay” at “hindi mahusay” sa performance assessment ng Kamara. 

Sa kabila nito, umabot naman sa kabuuang 27% ang mga Pilipino nagsagot ng “lubos na mahusay” at “mahusay” sa paggampan ng tungkulin ng mababang kapulungan. 

Photo courtesy: WR Numero Philippine Public Opinion Monitor (Issue 5. Vol. 2025)

Photo courtesy: WR Numero Philippine Public Opinion Monitor (Issue 5. Vol. 2025) 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Habang makikita rin sa naturang tala na 38% ng mga Pilipino ang “hindi sigurado” sa ipinakita ng Kamara. 

Ang naturang pag-aaral na ito ng WR Numero ay isinagawa mula noong Nobyembre 21 hanggang Nobyembre 28, 2025. 

KAUGNAY NA BALITA: Performance ni VP Sara, doble ang taas kumpara kay PBBM—WR Numero

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nanguna sa 2028 presidential pre-elections survey—WR Numero

Mc Vincent Mirabuna/Balita