Patay ang isang 22-anyos na babae matapos barilin sa ulo ng isang lalaki sa Brgy. Cupang, Antipolo City nitong Miyerkules, Disyembre 3.
Ayon sa mga ulat, nagtalo umano ang dalawa hinggil sa umano’y ilegal na droga.
Ayon naman sa awtoridad na nag-imbestiga sa krimen, wala silang nasamsam na kahit anong ilegal na droga sa pinangyarihan ng pamamaril.
Matapos ang masusing beripikasyon, napag-alamang humaharap ang suspek sa isang outstanding warrant of arrest para sa kasong “robbery.”
Agad na inaresto ng Antipolo PNP ang suspek at kasalukuyang nasa custodial facility ng Antipolo Component City Police Station (Antipolo CCPS) para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon.
Mahaharap ang suspek sa kasong murder.
Vincent Gutierrez/BALITA