December 11, 2025

Home BALITA Probinsya

2 estudyante sa Davao City, timbog matapos mahulihan ng marijuana!

2 estudyante sa Davao City, timbog matapos mahulihan ng marijuana!
Photo courtesy: Contributed photo

Dalawang estudyante sa high school ang nahulihan ng mga awtoridad ng tinatayang ₱372,000 halaga ng pinaghihinalaang marijuana sa Davao City noong Martes, Disyembre 2, 2025.

Batay sa ulat ng Davao City Police Office (DCPO), kinilala ang mga menor de edad na sina na si alyas “Dang”, 16 anyos, residente ng San Pedro Extension, at alyas “Kaloy,” 17 anyos, mula Beverly Hills, Upper Exodus, Brgy. 8-A.

 Ayon sa pulisya, matagal na umanong minamanmanan ang galaw ng dalawa matapos makatanggap ng impormasyon na posibleng sangkot sila sa ilegal na bentahan ng droga sa lugar.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakasakote sa mga estudyante sa pamamagitan ng ikinasang buy-bust operation, kung saan narekober mula sa kanila ang umano’y marijuana at kanilang personal na kagamitan. 

Probinsya

24-anyos na lalaki, minartilyo ang ex-jowa dahil sa selos?

Agad silang dinala sa kustodiya ng mga social worker para sa karampatang intervention bilang mga menor de edad.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng DCPO upang matukoy kung may mas malaki pang grupo o indibidwal na nasa likod ng pagpapagamit sa dalawang kabataan sa ilegal na kalakalan.

Nanawagan din ang pulisya sa komunidad na patuloy na makipagtulungan at magsumbong sa mga pinaghihinalaang aktibidad na may kinalaman sa droga upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa lungsod.