Umabot na hanggang sa K-pop star na si Jessi ang panggagaya sa kaniya ng aktres at komedyanang si Rufa Mae Quinto.
Ito ay matapos magkomento ang naturang singer sa impersonation performance ni Rufa kung saan inawit niya ang kantang “Zoom” ni Jessi sa reality competition na “Your Face Sounds Familiar.”
Makikita sa ibinahaging TikTok post ng ABS-CBN kamakailan na tila naloka si Jessi kay Rufa, kung kaya’t napakomento na lamang ito.
“What’s going on,” komento ni Jessi sa naturang video.
Photo courtesy: ABS-CBN/TikTok
Hindi naman nagpahuli ang netizens sa pagbibigay ng komento at reaksiyon hinggil sa naging “Zoom” performance ni Rufa sa nasabing reality competition.
“Linggo linggo na lang tayong tinat*rant*do ni Ruffa Mae”
“Para syNg ice breaker ng show”
“pati make up crew d na talaga s'ya binigyan ng effort itransform”
“AHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAA JESSI FOWLER NAMAN YAN MA”
“feeling ko sumali si ruffa mae riyan para laruin ‘yang show”
“HELP AKALA KO SI MOMMY ONI GINAGAYA NIYA”
“nabwasan trabaho ng mga mentors, d naman niya sinusunod e”
Matatandaang ginaya rin ni Rufa sa mga nagdaang episode ng kompetisyon ang singers na sina Cyndi Lauper, Miley Cyrus, Moira Dela Torre, at maging si Unkabogable star Vice Ganda.
Vincent Gutierrez/BALITA