December 12, 2025

Home BALITA National

VP Sara sa '₱500 Noche Buena' ni Sec. Roque: 'Matagal nang 'di kasya ₱500'

VP Sara sa '₱500 Noche Buena' ni Sec. Roque: 'Matagal nang 'di kasya ₱500'
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, Sec. Cristina Roque (FB)

Nagbigay ng komento si Vice President Sara Duterte tungkol sa sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Cristina Roque na kasya na ang ₱500 para sa Noche Buena ng isang pamilya sa Pasko. 

Ayon sa naging pahayag ni VP Sara sa The Hague, Netherlands noong Lunes, Disyembre 1, sinabi niyang matagal na raw na hindi kasya ang nasabing halaga para sa pagsasalo-salo ng pamilya tuwing sasalubungin ang naturang selebrasyon. 

“Hindi totoo ‘yon…,” pagsisimula niya, “Matagal na na hindi kasya ang ₱500 para sa noche buena ng [isang] pamilya.” 

Pagpapatuloy pa niya, namimigay na raw sila noon ng Noche Buena pack sa taumbayan na aabot sa halagang ₱2,100. 

National

Palasyo, itinangging pang-optics, propaganda lang ang Anti-Dynasty bill

“In fact sa amin na pinamimigay kapag pasko, nasa ₱2,100 na ‘yon… spaghetti and salad pack,” aniya. 

Pagtatapos pa ni VP Sara, “Hindi totoo ‘yon. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi na ganoon ‘yong puwede na noche buena natin.” 

Matatandaang pinanindigan ni Sec. Roque na sapat na ang ₱500 para makabili ng mga ihahanda sa Noche Buena sa panayam sa kaniya ng DZMM Teleradyo noong Nobyembre 27, 2025. 

MAKI-BALITA: ₱500, sapat na pang-Noche Buena! –DTI

“Kung tutuusin, [sa] ₱500 makakabili na kayo ng ham. Makakagawa ka na ng macaroni salad, makakagawa ka na rin ng spaghetti, depende rin po ‘yan kung ilan ‘yong taong kakain,” ani Roque. 

Gayunpaman, nilinaw ni Roque na depende pa rin sa dami ng pamilya at mga pagkain na ihahain ang magiging budget nila para sa Noche Buena.

Binanggit din niya na dahil mayroong bundles, pack, at price freeze na inimplementa ang DTI sa basic at prime commodities hanggang Enero 2026, kumpiyansa sila na makakatipid ang bawat pamilya sa bansa.

Matapos nito, matatandaan ding nilinaw naman ni Roque ang tunay niyang ibig sabihin sa kontrobersyal ngayon na ₱500 Noche Buena na nauna na niyang ipahayag sa publiko.

MAKI-BALITA: 'Depende sa dami ng miyembro ng pamilya!' DTI Sec. Roque, nagpaliwanag sa '₱500 Noche Buena'

Ani Roque, depende na raw sa isang pamilya kung mayroon pa silang dagdag na miyembro ang sasalo sa selebrasyon ng Noche Buena. 

“But again the Noche Buena celebration would depend on the number of family members or even extended relatives that would be joining the Noche Buena celebration,” giit niya. 

Basta paglilinaw umano niya, “When they asked the ₱500, this meant when I explained, this is for mother and father, and two children.”

MAKI-BALITA: ‘Mukhang serbisyo pero drawing!’ ₱500 Noche Buena, simbolo ng administrasyon ni PBBM—Pulong

MAKI-BALITA: 'May isa na namang tanga!' Rep. Fernando, bumwelta sa '₱500 Noche Buena' ni DTI Sec. Roque

Mc Vincent Mirabuna/Balita