Trending ngayon sa social media ang video ni Malupiton, o Joel Ravanera sa totoong buhay, matapos itong madulas at magmura habang ini-interview sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), na naka-live sa telebisyon.
Sa nabanggit na interview, nagpaabot ng pagbati ang comedian-vlogger sa lahat.
"Yown, binabati ko pala kayong lahat, guys, naririnig n'yo ba 'ko? Puk*ng-ina n'yo, boys!" aniya.
Saka naman niya napagtantong napapanood sa national TV ang MPBL nang mga sandaling iyon. Ikinagulat din ng mga manonood ang kaniyang mga nasabi.
Dahil sa insidente, agad na nagdesisyon ang MPBL na i-ban si Malupiton mula sa kanilang liga. Naglabas naman ng paliwanag ang comedian-vlogger at humingi ng paumanhin sa kanyang social media accounts, iginiit na hindi niya sinasadya ang pangyayari.
"Wala kasing nabanggit sa akin na naka-live pala 'yon, 'di ba? Saka akala ko sa content lang.... sorry guys, sorry guys sa akin." aniya.