December 13, 2025

Home BALITA

Pabuya sa makapagsusuplong kay Zaldy Co, posibleng ikonsidera—Malacañang

Pabuya sa makapagsusuplong kay Zaldy Co, posibleng ikonsidera—Malacañang
Photo Courtesy: PCO, Zaldy Co (FB), Pexels

Bukas umano ang Palasyo kaugnay sa posibleng pagbibigay ng pabuya sa kung sinomang makakasakote kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.

Sa isinagawang press briefing nitong Martes, Disyembre 2, inusisa si Palace Press Officer at Presidential Communication Office Usec. Claire Castro kung ikinokonsidera ba ng pamahalaan ang tungkol sa bagay na ito upang mas mapabilis ang pagdakip sa kongresista.

“Sa ngayon po, wala pang napag-uusapan sa ganyan,” ani Castro. “Pero since, nadinig po sa inyo, maaari po sigurong ikonsidera. Pero as of now, wala pa pong napag-uusapan tungkol diyan.” 

Dagdag pa niya, “Maganda po, maganda pong suggestion ‘yan.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Samantala, nakiusap na rin si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa publiko noong Lunes, Disyembre 1, na ibalandra sa social media ang larawan ni Co sakaling maispatan ang presensiya nito upang matunton agad ng mga awtoridad.

Anang kalihim, “Nakikiusap kami sa lahat ng Pilipino sa buong mundo na na kung makikita nila si Zaldy Co, kung puwede nilang picturan, ipadala kaagad, i-post agad sa internet.”

Maki-Balita: 'I-post agad!' SILG Jonvic, nakiusap na ibalandra sa socmed si Zaldy Co 'pag naispatan

Matatandaang kabilang si Co sa mga indibidwal na sinilbihan ng warrant of arrest dahil sa pagkakadawit sa maanomalyang flood control projects.

Maki-Balita: Palasyo, nagdududa sa katauhan ni Co sa mga video