Ibinahagi ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa kaniyang Instagram post ang litrato ng kaniyang kaliwang kamay na may singsing. Engaged na nga ba siya?
“Jeremiah 29:11: “’For I know the plans I have for you,’ declares the LORD, ’plans to prosper you and not to harm you, plans to give you a hope and a future.,” saad ni Carla sa kaniyang social media caption noong Lunes, Disyembre 1.
Photo courtesy: carlaangeline/IG
Umani ng congratulatory comments mula sa kaniyang kapwa celebrities si Carla, matapos i-post ang naturang litrato.
Photo courtesy: carlaangeline/IG
Matatandaang nagkomento kamakailan si Carla patungkol sa usaping siya nga raw ay ikakasal na.
“Kung totoo man po 'yon o hindi, of course, that's part of my private life, I would like to keep it private. I invoke my right to self-incrimination, so I refuse to say yes, I refuse to say no,” saad ni Carla sa isang panayam.
Si Carla ay ikinasal sa dati niyang asawang si Tom Rodriquez noong Oktubre 2021, na humantong din sa hiwalayan. Noong Hunyo 2022, sinabi naman ni Tom na sila raw ni Carla ay “divorced” na.
Vincent Gutierrez/BALITA