December 12, 2025

Home BALITA National

'Maganda usapan namin sa politika!' VP Sara, binisita si FPRRD sa The Hague

'Maganda usapan namin sa politika!' VP Sara, binisita si FPRRD sa The Hague
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Muling bumisita si Vice President Sara Duterte sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands matapos ang naging pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apela nitong interim release. 

Ayon sa naging pahayag ni VP Sara noong Lunes, Disyembre 1, sa The Hague, Netherlands, pinaabot niya sa mga tagasuporta ni FPRRD na natanggap daw nito ang mga mensahe at panalangin nila. 

“Natanggap n’ya lahat daw ng messages n’yo, tanggap rin n’ya ang mga prayers ninyo,” aniya. 

Pagpapatuloy pa ni VP Sara, maganda rin daw ang naging usapan nila lalo na sa politika at mga nangyayari sa Pilipinas bukod sa usapang pamilya. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Maganda ‘yong usapan namin sa politika. May konting usapan about sa pamilya pero karamihan sa politics at kung ano ‘yong nangyayari sa bayan,” saad ni VP Sara. 

Kaugnay nito, matatandaang ibinasura ng ICC ang inihaing interim release ni FPRRD na kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crimes against humanity.

MAKI-BALITA: Apelang interim release ni FPRRD, ibinasura ng ICC

Sa isinagawang pagdinig ng ICC Appeals Chamber nitong Biyernes, Nobyembre 28, tatlong apela ng kampo ni Duterte ang ibinasura nito, dahilan upang patuloy ang pagkakakulong ni Duterte sa nasabing bansa. 

“The appeals chamber unanimously confirms the impugned decision,” saad ni Presiding Judge Luz Del Carmen Ibañez.

Hindi nagawang makasipot ng dating Pangulo sa pagbasa ng desisyon kaugnay sa kaniyang interim release batay na rin sa isinumite niyang waiver.

Humarap naman si Atty. Nicholas Kaufman sa appeals chamber bilang legal counsel ni Duterte.

MAKI-BALITA: Pamilya Duterte, tanggap ang pag-reject ng ICC sa interim release ni FPRRD

MAKI-BALITA: Trillanes sa Duterte camp: 'Wag nang magpaasa. Di na makakalaya si Duterte'

Mc Vincent Mirabuna/Balita