December 13, 2025

Home BALITA

Lotto winners mula Bulacan at Zamboanga del Sur, kumubra na ng pinaghatiang ₱50.9M!

Lotto winners mula Bulacan at Zamboanga del Sur, kumubra na ng pinaghatiang ₱50.9M!
PCSO

Kinubra na ng dalawang lotto winner mula sa Bulacan at Zamboanga del Sur ang kanilang pinaghatiang mahigit ₱50 milyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Main Office kamakailan.

Napanalunan ng mga lucky winner ang ₱50,952,075.80 Ultra Lotto 6/58 jackpot prize na binola ng PCSO noong Oktubre 19, 2025, nang mahulaan nila ang winning numbers na 16-09-25-17-10-15.

Sila ay makakapag-uwi ng tig-₱25,476,037.90.

Sa panayam ng PCSO sa lucky winner na taga-Guiguinto, Bulacan, isang babae, ibinahagi niya na 20 taon na siyang tumataya sa lotto.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Kaya laking pasasalamat niya nang mapanulanan niya ang jackpot prize. Aniya, inspired ang winning combination sa birth dates ng pamilya niya. 

Gagamitin naman niya ang napanalunan sa pagsisimula ng negosyo at sa pag-aaral ng mga anak niya.

Samantala, ang winner naman mula sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, isang lalaki, ay 15 taon nang tumataya sa lotto. 

Ang winning numbers daw ay inspired din sa birth dates ng kaniyang mga mahal sa buhay. 

Gagamitin niya ang mahigit ₱25 milyon para sa kaniyang mga anak.