Inaprubahan na ng Korte Suprema ang implementasyon ng Filipino Sign Language Rules (FSL) sa mga paglilitis upang matiyak ang pantay na karapatan para sa hearing-impaired na mga Pinoy na dadalo sa mga pagdinig at paglilitis, simula Disyembre 15.
“The FSL Rules aims to ensure equal, relevant, and effective access to justice for d/Deaf Filipinos, enabling them to participate fully and fairly in court proceedings,” saad sa probisyon ng Korte Suprema.
Bukod sa Korte Suprema, gagamitin rin daw ang FSL Rules sa first and second-level courts tulad ng Shari'ah Circuit Courts, Shari'ah District Courts, Shari'ah High Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax, Appeals, and Supreme Court.
Ayon pa sa Korte Suprema, ang FSL Interpreter o Deaf Relay Interpreter ay dapat sertipikado ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Inaabiso rin ng Korte ang ilang panuntunan na kailangan sundin ng FSL Interpreter o Deaf Relay Interpreter tulad ng kumpleto at tamang interpretasyon; mga karagdagang serbisyo tulad ng pagbibigay ng legal advice; confidentiality; at pagbibigay ng pantay na karapatan at respeto sa mga kliyente ano man ang kasarian, estado sa buhay, o mga pananaw sa buhay.
Bukod pa rito, maaari ring tanggalin ng Korte ang FSL Interpreter o Deaf Relay Interpreter sa ilalim ng mga kadahilanan na tulad ng: panloloko sa interpretasyon; paglalabas ng confidential na mga impormasyon; at hindi pagdalo sa itinakdang pagdinig.
Sean Antonio/BALITA